Meron akong mga friends, itago nalang natin sa angalang Kim at Karina. Pero bago pa man nila ako makilala, close na silang dalawa. Pareho ko silang best friend pero magkaibang magkaiba ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanilang dalawa. Si Kim, parang kapatid ang turing ko sa kanya, baby sis ko siya. Sabi niya mahalaga ako sa kanya at ginagawa niya ang lahat para sa akin, para ipakita ang kahalagahan ko. Pero sa kabila ng mga ito, ang minahal ko nang higit pa sa kaibigan at kapatid ay si Karina. Ang nakakalungkot lang, iba ang mahal niya. Ang totoo, kasalukuyan siyang may boyfriend. Ganon pa man, kuya ang turing niya sa akin… nasasaktan ako pero ok na rin yon. Mahal ako ni Kim at mahalaga siya sakin pero mahal ko si Karina, at ok na sakin ang mahalaga ako sa kanya.
Tama na ang introduction — eto na ang story.
Nagfieldtrip kami sa isang bundok sa Quezon. Excited kaming lahat, pati ang dalawa kong best friends. Naghiking kami at inakyat ang tuktok ng bundok. Masaya dahil maganda ang tanawin at napakalamig ng hangin. Papunta sa tuktok ng bundok ay may dadaanang hanging-bridge. Medyo luma na ito kaya iisang tao lang ang pwedeng dumaan dito. Sa ilalim daw nito ay may mababaw na ilog na napapaligiran ng malalaking bato. Pero hindi makikita mula sa itaas dahil sa makapal ang hamog. Pinauna ko na ang mga kaklase ko. Nung ako na ang tatawid, tumakbo si Kim papunta sa tulay at inunahan ako. Sabi niya sobrang excited na raw siya na makatawid dito dahil never pa siyang naka-experience nito. Ganon din pala si Karina. Dalawa silang nagkukulitan sa tulay… kaya hindi kinaya ng lumang tulay ang bigat nila. Napatid ito. Buti na lang at nahawakan ko agad ang kamay nilang dalawa. Sa kanan si Kim, sa kaliwa si Karina. Pero delikado ang sitwasyon na ito. Hindi ko naman talaga kaya ang bigat nilang dalawa. Wala kaming mahingian ng tulong dahil nasa kabila na ang lahat ng mga kasama namin. Alam naming tatlo na iisa lang sa kanilang dalawa ang kaya kong iligtas. Gustuhin ko mang iligtas sila pareho, hindi ko parin kaya…wala akong magawa. Wala nang pag-asa, kailangan ko nang magdesisyon.
Tinanong ko sila kung anong huling kahilingan nila bago magpaalam ang isa sa kanila. Alam kong pareho nilang gustong mabuhay, pero kailangan talagang may isang magsacrifice. "Sana bago man lang ako mamatay, makausap ko ang laalkeng pinakamamahal ko, kahit sandali lang," sagot ni Karina. Sabi naman ni Kim, "Gusto ko lang sana ipaalam sayo na talagang mahalaga ka sa buhay ko. Ang tanging hiling ko lang, sana kahit saan man ako makarating, sa huli, ikaw padin ang makasama ko." Gusto kong tuparin ang kahilingan nila at alam kong ito nga ang dapat kong gawin. Pero hindi ko na kaya, malapit ko nang mabitawan ang isa sa kanila. Sa palagay mo, sino ang binitawan ko? Ang taong mahal ko o ang taong mahal ako? …
Binitawan ko si Kim. Nakita ko pa kung pano siya maglaho sa kapal ng ulap. Wala na siya. Malungkot pero kailangan talaga. Tapos tinulungan kong makaakyat si Karina. Ligtas na siya. Niyakap ko siya agad at masaya kong ibinulong sa kanya ang mga salitang ito, "Payakap ha, matagal akong mawawala e. Ingat ka lagi at sana maging masaya ka kasama ang taong mahal mo…" Pagkatapos … sumandal ako sa hangin at nagpahulog din sa bangin.
"Wag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para matupad ang mga kahilingan nyo. Karina, sana hindi mo ko makalimutan kahit saan ka magpunta. At kahit anong mangyari hindi rin magbabago ang pagmamahal ko para sayo. Kim, makakakarating ka sa isang madilim na lugar at makakaramdam ka ng lungkot doon. Pero may makikita kang liwanag, alam kong pupuntahan mo iyon. Pero sana hinatayin mo ko sandali…dahil sasamahan kita at sabay tayong pupunta doon."
Ito ang mga huling salitang sinabi ko bago ko bitawan si Vince.
Napanaginipan ko ito noong gabing depressed ako dahil sa dami ng mga problema sa buhay ko. Paggising ko, na-realize ko na dapat kong pahalagahan ang mga taong nagmamahal sakin, dahil alam kong mamahalin nila ako kahit anong mangyari at sasamahan kahit hanggang sa kabilang buhay.